Umaabot sa 1 ektaryang bahagi ng Parang-Parang Watershed sa Surigao City balak na taniman ng mga kahoy, ito’y matapos isagawa ang Signing sa Memorandum of Agreement sa Surigao Metropolitan Water District at Rotary Club of Surigao City.
Tinukoy ni Engineer Benjamin Ensomo Jr. ang General Manager ng SMWD masaya siya sa naturang proyekto lalo na’t malaki ang maitutulong nito na maibalik ang mga kahoy na pinutol ng mga Illegal Loggers at Miners sa loob ng mahigit sa 900 ektarya ng Watershed. Inaasahan na ito lamang ang simula sa proyekto at marami pang mga organisasyon at Local Governmet Units ang susunod at tutulong.
Binigyangdiin na sa pamamagitan sa pagsasagawa ng pagtatanim ng mga kahoy, maganda ang magiging epekto nito sa Watersource ng buong lunsod. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق