Chief of Police ng Surigao city, pinasisibak

Ipinasisibak ng isang city council ang hepe ng pulis sa Surigao city na si Police Chief Inspector Charlie Cabradilla.

Ipinaliwanag ni councilor Jex Bayang, chairman ng committee on Police Matters na dismayado siya at maging ng mga kasamahan sa konseho sa mabagal na aksiyon ni Cabradilla sa mga kaso ng hold-up, pagnanakaw at pickpocketing sa lungsod.

Binigyang diin ni Bayang na araw-araw ay mayroong nangyayaring kaso sa kanilang lungsod pero kahit isa ay walang nabibigyan ng solusyon.

Hiniling din ng grupo ni Bayang na hindi na magmula sa hanay ng mga pulis sa lungsod at maging sa lalawigan ng Surigao del Norte ang susunod na hepe ng pulisya. (RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.