DUMATING na sa Surigao City ang incoming Chief of Police na si Col. Richard dela Rosa na papalit sana kay Col. Arthur Sanchez ngunit naging kontrobersiyal ito dahil hanggang sa mga oras na ito hindi pa nangyayari ang Turn Over Ceremonies.
Ito’y epekto na hanggang sa mga oras na ito hindi pa nakakakuha ang Phil. National Police (PNP) ng Clearance mula sa Commission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng reshuffling lalo na’t nakasaad sa batas na kapag malapit na ang eleksiyon ipinagbabawal ang pagsasagawa ng pagbabago sa assignment o pag-promote ng isang kawani maliban na lamang kung ito’y may pahintulot sa Comelec.
Nakadagdag pa sa kontrobersiya ang naunang statement ni Surigao City Mayor Alfonso Casurra na hindi siya papayag na palitan si Col. Sanchez bilang Chief of Police dahil diumano’y maganda ang performance nito.
Binigyang diin ng alkalde, gagawa siya ng paraan para hindi mapalitan ang Chief of Police lalo na’t nasa Local Gov’t Code tinukoy na ang local chief executive ang may karapatan na pipili kung sino ang gustong ilagay sa puwesto.
Lumalabas rin ang isyu na may bahid pulitika na ang pagpapalit ng Chief of Police dahil nalalapit na ang eleksiyon. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق