NAGHAHANDA na ang lokal na mga kandidato sa Surigao sa nalalapit na eleksiyon sa pagsisimula sa pangangampanya sa Marso 26.
Sa impormasyon na nakalap ng RMN, iilang mga namumuno ng partido sa Nacionalista Party (NP), Liberal Party (LP), Lakas-Kampi-CMD at kung anu-ano pang partido ang nagkaroon na ng pagpupulong sa pagpili ng mga lugar na duon isasagawa ang unang araw ng kanilang pangangampanya.
Sa grupo ng Nacionalista, tinukoy ng mga kumakandidato na sa isla sila magsisimula lalo na ang nasa eastern side ng Surigao bilang pagsunod sa Feng Shui at dahil na rin sa paniniwala na mas mabuti kung uunahin ang mga lugar na mahirap puntahan.
Sa grupo naman ng Liberal, inaasahan na sa sentro ng lungsod nila sisimulan ang kampanya.
Samantalang ang Lakas-Kampi-CMD, tinukoy ng iilan na posibleng magkasabay sa pangangampanya ng mga kaalyado nila sa District 1 sa Siargao Island at sa District 2 sa mainland ng Surigao del Norte. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق