Salisi Gang, ninakawan ang isang tindahan ng cellphone sa Surigao City

UMAABOT sa P100, 000 ang halaga ng mga cellphones ang ninakaw ng pinaghihinalaang miyembro ng Salisi Gang sa Surigao City.

Sa sumbong ni Willie Zhou, 33 gulang, isang Chinese national at may-ari ng Z and L Marketing sa Kaimo St. sa lungsod, diumano’y 46 na cellphone ang nakuha ng magnanakaw na sana’y ang naturang units ay ididisplay pa sa kanilang tindahan.

Sa pamamagitan ng salaysay ng mga saksi, positibo na tinukoy si Welito Laurente Edusma bilang suspek na tiga-Santiago, Agusan del Norte.
p
Lumalabas sa record ng City PNP, ito’y naunang sinampahan na nga kasong robbery with intimidation.

Hanggang sa mga oras na ito, hinahanap pa ng mga otoridad ang suspek na si Edusma. (RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.