SINUNOG ng mga pinaghihinalaang miyembro ng indigenous people sa mga Mamanwa ang heavy equipments ng Taganito Mining Corporation sa Brgy. Urbiztondo, Claver, Surigao del Norte.
Ito ang kinumpirma ni Col. Ruben delos Santos, ang PNP Provincial Director.
Tinukoy nito, 5:00 ng hapon noong Hulyo 21, ang mga 30 Mamanwa ang sumunog sa dalawang dumptruck, dalawang backhoe, isang bulldozer at isang road compactor na umaabot ng P32 milyon ang halaga.
Ayon kay Col. delos Santos, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na humihingi ang mga Mamanwa na mabayaran sila sa 1% Royalty Tax mula sa kita ng kompanya.
Maliban sa panununog, hinuli ng mga Mamanwa ang dalawang security guards ng G4S Security Agency na kinilalang sina Adriano Mondejar at Marico Ruadel ngunit pinakawalan din kahapon.
Dagdag pa ni Col. delos Santos, matapos ang panunog tumakas na ang mga Mamanwa.
Sa ngayon, patuloy na isinasagawa ang Manhunt Operation ng mga otoridad sa paghahanap at paghuli sa mga Mamanwa. (RMN)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق