Home » , , , , , , » Cong. Matugas hindi pabor sa pag-pull out ng mga militar Siagao Island, Surigao del Norte

Cong. Matugas hindi pabor sa pag-pull out ng mga militar Siagao Island, Surigao del Norte

HINDI pabor si Congressman Francisco Matugas ng District 1 sa resolusyon ng Provincial Peace and Order Council na i-pull out ang detachment ng militar sa Siargao Island, Surigao del Norte.

Binigyang diin nito, ang mga militar ay nagsilbing proteksiyon sa mga naninirahan ng Siargao Island nang masiguro na hindi na maulit ang pag-atake ng mga New People’s Army (NPA) gaya noong 2008 na kung saan ang mga bayan ng Dapa at Gen. Luna ang naging biktima.

Ayon pa kay Matugas, may mga intelligence report silang natatanggap na balak ng mga rebelde na magsagawa ulit ng pang-aatake.

Tinukoy nito na dahil sa presensiya ng mga militar hindi na natatakot ang mga local na naninirahan at mga foreigners.

Ayon pa sa Kongresista, ilang mga bayan sa Siargao ang mahigpit na binabantayan gaya ng Sta. Monica, Pilar at Gen. Luna dahil sa 20 katao na nakikitang dumarating at nagsisimulang mag-organisa ng iba’t ibang grupo ngunit baka diumano’y iba na ang gagawin sa kalaunan.

Kinastigo rin nito si Gov. Robert Ace Barbers na walang ginawa noong 2008 matapos atakehin ang Siargao ng mga NPA.

Dagdag pa nito, kabutihan ang idudulot sa pagkakaron ng checkpoint ng militar sa Siargao lalo na sa pagpapanatili sa Peace and Order. (rmn)
Share:

ليست هناك تعليقات:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger