Home » , , , , » Suspek sa Pagpatay sa Mag-ina sa Tubod Nahuli na

Suspek sa Pagpatay sa Mag-ina sa Tubod Nahuli na

Nahuli na ang suspek sa pagpatay sa isang mag-ina sa Brgy.Timamana, Tubod, Surigao del nOrte na sina Mirasol Gloria, 36 taong gulang at anak nitong si Jessa May, 3 taong gulang.Kinilala ang suspek na si Roxan Baron, 19 taong gulang, kapitbahay ng mga biktima at malayo pang kamag-anak.

Inamin ni Baron na siya ang sumaksak sa mag-iina hanggang namatay. Ito’y matapos na ninakaw ang P3,000 na kita ng biktima mula sa bilyaran nito. Inihayag ng suspek na nang palabas na siya ng bahay sa may kusina, dala ang P3,000, nakita siya ni Mirasol Gloria at kumuha ng kutsilyo, sinaksak siya sa kanang kamay.

Diumano’y kumuha rin siya ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima, sumigaw ang tatlong taong gulang na bata kaya sinaksak niya rin ito. Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na may 13 saksak si Mirasol at 3 saksak naman sa bata. Nahuli si Baron ng mga operatiba ng PNP CIDG Surigao del Norte at Caraga Region. (Jojo Ferol/RMN)
Share:

هناك تعليق واحد:

Unknown يقول...

Putang ina mo Mr. Baron, sana mamatay kanarin. Naghihirap ang padre de pamelya yan dito sa Saudi para lang mabuhay.tapos ganun ang ginawa mo?

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger