2 kawani ng Tubod, Surigao Del Norte, kritikal sa pamamaril

PINAGBABARIL ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang dalawang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Tubod, Surigao Del Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Cherry Margarita Gomonit, 40-anyos at Charlo Betita, 30-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, bago pa nangyari ang pamamaril sa dalawang biktima, ay nagkakatuwaang umano ang mga ito at nagkakantahan pa sa isang videoke.

Nang pauwi na ang mga biktima ng madaling araw ay agad ito tinambangan ng isang hindi kilalang suspek at agad itong pinaputukan si Gomonit at sinunod si Betita.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen samantalang isinugod naman sa Surigao City Medical Center ang mga biktima. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.