Bata nakuryente sa Socorro

NAKURYENTE sa kawad ng Siargao Electric Cooperative ang isang 12 taong gulang na bata sa Socorro, Surigao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Clarence Cordita, naninirahan sa Brgy. Sering sa bayan ng Socorro.

Sa salaysay ng tiyuhin ng biktima na si Tonton Junquino, 9:00 ng umaga kahapon habang nasa taniman ng palay ang bata kasama ang iba pang miyembro ng pamilya, pinuputol ang mga damo at kahoy biglang nasagi ang mainline ng kuryente at napuruhan ang mga kamay at binti nito.

Kaagad na isinugod si Cordita sa Caraga Regional Training Hospital ngunit inirekomenda ng mga doctor na putulin ang dalawang kamay nito dahil sa 3rd Degree Burn na natamo. (RMN News)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.