Lalaki, patay sa bumigay na construction site sa Surigao City

PATAY ang isang manggagawa matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Surigao City.

Kinilala lamang sa pangalang Arvin ang biktima habang mapalad namang na-rescue ang tatlong kasamahan nito.

Pasado 9:00 kaninang umaga nang maganap ang insidente kung saan ginagawa ng mga biktima ang pundasyon ng bahay nang biglang bumigay ang lupang kinatitirikan nito.

Ang nasabing bahay ay sinasabing pag-aari ng isang Boy Ampuon.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari upang matukoy kung may kapabayaan ang may-ari ng bahay. (RMN News)

Post a Comment

Previous Post Next Post