Patay natagpuan sa Brgy. Mabua, Surigao City

NATAGPUAN ang isang bangkay ng lalaki sa Brgy. Mabua, Surigao City.

Kinilala ang biktima na si Analorato Rasonabe Doquila, 53 taong gulang at naninirahan sa Purok 4 Brgy. Mabua, sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, ang biktima kasama ang apat pang mga magsasaka ay magkakasama pang nangopra ng niyog sa lupain nito na isang kilometro ang layo mula sa sentro ng barangay noong Agosto 10 nang bigla na lamang itong nawala.

Natagpuan ito umaga na ng Agosto 11, wala na itong buhay sa tabi ng niyog.

Tinukoy ng mga kamag-anak ni Doquila, iilang araw din itong naunang nagreklamo na masakit ang tiyan.

Hanggang sa mga oras na ito, iniimbestigahan pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung may foul play bang nangyari sa pagkamatay ni Doquila. RMN-Surigao

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.