Man's body found at Surigao City cemetery

Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa likod na bahagi ng Surigao City Public Cemetery. Ito ang kinumpirma ng Chief of Police na si Supt. Alfonso Pagkaliwagan Jr.

Tinukoy nito, hanggang sa mga oras na ito, wala pang pagkakakilanlan sa natagpuang bangkay na tinatayang nasa 19 taong gulang pa.

Inihayag pa ni Supt. Pagkaliwagan na may mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha ang biktima. Malaki ang paniniwala ng PNP na itinapon lamang ang bangkay lalo na’t walang patak sa dugo ang nakita sa paligid. Wala ring nakakilala sa biktima sa mga naninirahan sa may City Public Cemetery. (Jocelyn Ferol/RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.