Home » , , , » Barbers, tiniyak na di gagamit ng 3Gs sa halalan sa Surigao del Norte

Barbers, tiniyak na di gagamit ng 3Gs sa halalan sa Surigao del Norte

Binigyang diin ni incumbent Surigao del Norte Gov. Robert Ace Barbers na hindi siya gagamit ng Gold, Goons at Guns sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo.

Tinukoy nito, kung ang mga makakalaban niya sa pulitika ay gagamit sa 3G’s, iba naman ang kanyang gagawing stratehiya.

Ayon kay Gov. Barbers, hindi siya gagaya sa ibang pulitiko kaya sa pagsisimula ng pangangampanya sa local na kumakandidato sa Marso 26, hihingin niya ang patuloy na pagsuporta ng mga tao ng Surigao at hinding-hindi siya gagamit ng dahas.

Dagdag pa nito, posibleng sisimulan nila ang pangangampanya sa Biyernes sa sentro ng lungsod at mga Island Barangays.

Si Gov. Barbers ay tumatakbo sa ikalawang termino bilang gobernador ng probinsiya. (rmn)
Share:

No comments:

Popular Posts

Featured

🧳 Travel light, travel smart: Budget-friendly luggage pick for your next Siargao adventure!

Whether you’re chasing the famous waves of Cloud 9, hunting for hidden lagoons, or just planning to chill at the laid-back cafes in General ...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger