Bangkay ng dating bishop ng Surigao, darating ngayong araw

DARATING ngayong araw ang bangkay ng dating Obispo ng Surigao Diocese na si Bishop Miguel Cinches, SVD.

Ito ang inihayag ni Father Ernesto Virgen, ang Rector ng San Nicolas de Tolentino Cathedral.

Tinukoy nito, 4:00 mamayang hapon dadalhin ang bangkay ng namayapang Obispo sa cathedral na kung saan may
isasagawang misa, simula ngayong gabi ang vigil hanggang sa paglibing sa Lunes, Abril 19.

Ngayon pa lamang iba’t-ibang grupo sa Simbahang Katoliko ang gumagawa ng preparasyon sa vigil.

Sinabi rin ni Surigao City Mayor Alfonso Casurra na ang mga opisyal ng lungsod at mga kawani ay may special mass at vigil na isasagawa sa pagkilala sa nagawa ng unang Pilipinong Obispo na nagsilbi sa Surigao. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.