Ilang mga kandidato sa Surigao, biktima ng pambabaklas

NAGREREKLAMO ang ilang mga local na kandidato sa Surigao na diumano’y biktima sila ng pambabaklas ng mga posters at streamers ng kabilang grupo at ginagawa ito kung madaling araw.

Hinaing ng mga kandidato ng Liberal Party (LP), kasama na rin ang Lakas-Kampi CMD at Nacionalista Party, sana itigil na ang ginagawang operasyon ng kung sino mang grupo dahil sayang ang kanilang materyales sa mga posters/streamers at gastos na rin.

Tinukoy ng mga ito na hindi makatarungan ang ginagawa sa kanila dahil diumano’y matapos ang pambabaklas, pinalitan ito ng ibang posters at streamers ng ibang kandidato.

Dagdag pa ng mga ito, kahit na nasa Designated Common Posters Area, tinatanggal ang kanilang mga materyales sa pangangampanya kaya dismayado sila ng husto. (rmn)

Post a Comment

Previous Post Next Post