Kalansay ng isang tao nakita sa Bacuag, Surigao del Norte

HANGGANG sa mga oras na ito patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isang nakitang kalansay ng isang tao sa may kuweba ng Sitio Hinatigan, Brgy. Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte.

Ayon kay Police Chief Inspector Rudy Elandag ng Surigao del Norte Prov’l Police Station, Sabado pa ito nakita sa pamamagitan ng sumbong ng isang Terezo Regonios, 62-anyos, may asawa at naninirahan sa bayan ng Placer sa probinsiya.

Tinukoy nito, isang Team ng PNP, Phil. Army at SOCO ang pumunta sa lugar at natagpuan ang kalansay, may suot ito na t-shirt kulay blue at brown, may markang Diesel sa harapan.

Ang natagpuang kalansay ay nakatakdang i-turn over sa Crime Laboratory para sa isasagawang Autopsy at Forensic Examination.

Dagdag pa ni Police Chief Inspector Elandag, hindi pa rin nila makumpirma kung ang kalansay ay sa kinidnap na negosyanteng mahigit isang taon nang hinahanap na si Johnson Cuiting, Presidente ng Rural Bank of Placer.

Diumano’y hanggang wala pang resulta sa Crime Lab at pagkukumpara sa Dentures at ibang body identification kay Cuiting hindi pa masasabi kung ito’y sa kinidnap na negosyante. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.