Police escort na inireklamo na nanutok ng baril sa Taganaan, Surigao del Norte, inilipat na

NA-RELIEVE na sa posisyon ang police escort na naunang inireklamo na nanutok ng baril kay incumbent Taganaan, Surigao del Norte Mayor Cesar Diaz, ayon kay Col. Gilbert Cruz, PNP Provincial Director.

Tinukoy nito, ang dating Police escort ni Vice Mayor Sally Plaza-Bulac na si SPO2 Teodorico Bano ay na-relieve na at may kaso pang kinakaharap na grave threats sa Prov’l Prosecution Office.

Ayon sa kanya, may ipinalit na siyang Police escort kay Vice Mayor Bulac, isang P01 Tagaan galing ng PNP Prov’l Mobile Group. Ang pagpapa-relieve diumano’y may pag-apruba ng Commission on Elections.

Inihayag din nito, responsibilidad ng Police escort ang pagbibigay ng proteksiyon sa binabantayang opisyal ngunit walang karapatan na gumawa ng harassment gaya ng panunutok ng baril kaya kailangang harapin ng inirereklamong pulis ang naturang kaso.

Sa ngayon kahit na ilang araw na lamang at eleksiyon na, assessment ng PNP sa kabuuan nanatiling normal ang sitwasyon sa Peace and Order sa buong Surigao del Norte. (rmn)

Post a Comment

Previous Post Next Post