Natagpuang kalansay ng tao sa Surigao del Norte, wala pang umaako

WALA pang nag-claim na pamilya sa nakitang kalansay ng tao sa yungib ng Bacuag, Surigao del Norte.

Ito ang inamin ni Police Chief Inspector Rudy Elandag ng PNP Prov’l Police Office.

Ayon pa sa kanya, kasalukuyang nasa PNP Crime Laboratory pa rin ang kalansay at hinihintay nila kung may maghahanap na pamilya sa missing na tao.

Tinukoy nito, sa kalansay wala silang mga nakitang tama ng baril o indikasyon ng pananakit bago namatay ang biktima.

Inamin pa na nahihirapan sila sa pagkilala lalo na’t buto na lamang ito at ang t-shirt na kulay blue at brown na may marking Diesel sa harapan ang tanging suot.

Dagdag pa ni Chief Inspector Elandag, ipina-aabot na nila ang panawagan sa mga naninirahan sa iba’t-ibang bayan ng Surigao del Norte na kung may hinahanap silang tao ay pumunta lamang

sa kanilang tanggapan at baka ang nakitang kalansay na ang kanilang miyembro sa pamilya. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.