GM ng electric cooperative sa Surigao, nangakong walang brownout sa araw ng halalan

NANGAKO ang General Manager ng Surigao del Norte Electric Cooperative (SURNECO) na si Engr. Danny Escalante na walang mangyayaring rotational brownout sa araw ng eleksiyon sa Mayo 10.

Inihayag nito ng tumawag sa kanya ang isang opisyal ng National Grid Corporation of the Phils. na binigyang diin na walang brownout na mangyayari simula sa Mayo 9, 10 hanggang 11.

Ayon pa kay Engr. Escalante, masisiguro na nila na walang aberya sa linya sa kuryente sa nalalapit na eleksiyon.

Dagdag pa nito, ibayong paghahanda rin ang ginagawa ngayon ng SURNECO sa pagbabantay na walang masira na linya ng kuryente sa susunod na mga araw lalo na sa araw mismo ng halalan. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.