Suspek sa Pagpatay sa Mag-ina sa Tubod Nahuli na

Nahuli na ang suspek sa pagpatay sa isang mag-ina sa Brgy.Timamana, Tubod, Surigao del nOrte na sina Mirasol Gloria, 36 taong gulang at anak nitong si Jessa May, 3 taong gulang.Kinilala ang suspek na si Roxan Baron, 19 taong gulang, kapitbahay ng mga biktima at malayo pang kamag-anak.

Inamin ni Baron na siya ang sumaksak sa mag-iina hanggang namatay. Ito’y matapos na ninakaw ang P3,000 na kita ng biktima mula sa bilyaran nito. Inihayag ng suspek na nang palabas na siya ng bahay sa may kusina, dala ang P3,000, nakita siya ni Mirasol Gloria at kumuha ng kutsilyo, sinaksak siya sa kanang kamay.

Diumano’y kumuha rin siya ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima, sumigaw ang tatlong taong gulang na bata kaya sinaksak niya rin ito. Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na may 13 saksak si Mirasol at 3 saksak naman sa bata. Nahuli si Baron ng mga operatiba ng PNP CIDG Surigao del Norte at Caraga Region. (Jojo Ferol/RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.