Update: Padre de pamilya ng mga pinatay sa Tubod Dumating Na

Dumating na sa Brgy. Timamana, Tubod, Surigao del Norte si Peter Gloria, ang padre de pamilya sa pinatay na mag-iina na sina Mirasol Gloria at tatlong taong gulang na si Jessa May.

Inamin nito, hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang pamilya lalo na’t noong Nobyermbre 18 pa siya umalis papuntang Saudi Arabia para magtrabaho. Diumano’y inihatid pa siya sa Airport ng kanyang mag-iina at ‘yon na pala ang huling pagkikita nila. Tinukoy ni Peter Gloria na sa Sabado ang libing ng kanyang mag-iina. Hinihingi nito ang hustisya sa kanyang pamilya.

Hindi rin matukoy nito kung babalik pa siya sa Saudi Arabia ngayong wala na ang kanyang mag-iina. Ang suspek na si Roxan Baron, 19 taong gulang ay sinampahan na ng kasong Double Murder sa korte, pamamagitan ng mga nakahuli mula sa PNP CIDG. (Jojo Ferol/RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.