John Estrada giregaluhan ni Willie Revillame ug P.8M?

ENTITLED DAW NA mag-produce ng isa pang show sa TV5 ang Wil Production ni Willie Revillame. Sa isang noontime show sana isasama ng TV host-comedian-singer ang mga kaibigan nitong sina Randy Santiago at John Estrada na iminungkahi na ng una kay Manny Pangilinan. Pero nagulat na lang si Willie nang magsabi sina Randy at John sa kanya na may noontime show din ang dalawa sa ABS-CBN, dahilan ng tampo ng TV host sa mga itinuturing nitong matatalik na kabigan.

Sa kasal ni John at ng girlfriend nitong si Priscilla Meirelles this month, ‘best man’ sana si Willie na napabalitang umatras na at hindi na a-attend. Pero bago mangyari ang lahat, how true na nagkaloob ng tumataginting na P800 thousand si Willie kay John bilang pangdagdag gastos sa kasal? Kung totoo man ang tsikang ito, gamitin pa kaya ni John ang perang galing kay Willie, o isauli na lang niya?

***

MAY BAGONG PELIKULA palang pinagsamahan sina Anne Curtis at Luis Manzano, ang Who’s That Girl?

Sa isang eksena ng dalawa na naghahabulan sila, walang takot na sumakay sa isang gondola o lift na pang-construction na unti-unting tumataas si Anne ng walang double, habang si Luis naman ay sinabayang pumanhik ang aktres sa pagkataas-taas na ladder na konektado sa gondola.

Nilinaw naman ni Anne na hindi nito pinalitan sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa dalawang magkaibang endorsements nito.

“I’m just an addition to the family. I don’t wanna use the term pinalitan,” paliwanag ni Anne.

Makakasama rin ng mag-best friend na Anne at Luis sina Dina Bonnevie at Eugene Domingo sa pelikulang ito na co-produced ng Viva Films at SMDC which opens on March 2.

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.