Bangkay ng isang lalaki nakita sa Tubod

ISANG bangkay ng isang lalaki ang nakita sa bayan ng Tubod, Surigao del Norte.

Ayon kay Police Inspector Richelu Alucilda, ang Chief of Police nakita ang bangkay sa may bukiring bahagi sa boundary ng Brgy. Motorpool at Brgy. San Isidro, Tubod.

Ito’y kinilala na si Nicasio Cagampang, 72 taong gulang at naninirahan sa Bacuag, Surigao del Norte.

Nang matagpuan ang bangkay ito’y naagnas na.

Nakilala ito ng mga kamag-anak sa pamamagitan ng damit nito. Diumano’y Pebrero 28 pa nakitang buhay ang biktima, umalis ng bahay para maghanap ng kahoy na panggatong ngunit hindina nakauwi.

Pinaniniwalaang nahulog sa talampas si Cagampang.

Dahil sa nangangamoy na ang bangkay, inilibing kaagad ang bangkay sa Brgy. Motorpool Tubod. (Jocelyn Ferol)

Post a Comment

Previous Post Next Post