BJMP, nasorpresa sa pagkakaaresto ng isa nilang tauhan sa buybust

Ikinagulat ng ilang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang pagkakahuli sa isang Jail Officer sa buybust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kamakailan.

Ayon sa kauupo pa lamang na BJMP Regional Director Jail Senior Supt. Rex Delarmente, hindi siya makapaniwala na isang tauhan nila na si JO2 Reyfe Salino ang nadakip kaya naman isang imbestigasyon ang kanilang isinasagawa ngayon.

Binigyangdiin nito na kung mapapatunayang nagkasala ay haharap sa kasong administratibo at kriminal ang suspek.
Nilinaw naman ni Delamente na ang imbestigasyon hindi lamang nakasentro kay JO2 Salino kundi sa buong ahensiya lalo na’t posibleng may iba pang gumagamit ng illegal drugs sa kanilang hanay.

Kumpirmadong tauhan ng BJMP si Salino at nagging madalas ang pag-absent nito sa mga nakalipas na araw. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.