Konsehal ng Surigao, dasal ang mapayapang halalan

NANANALANGIN ngayon si Surigao City Councilor Luceniano Lancin na sana’y magiging mapayapa ang nalalapit na eleksiyon sa Mayo.

Ayon pa sa kanya, sa mga nangyayaring pamamaril at pagpatay sa mga bayan ng Alegria, Taganaan at San Francisco ay sana’y mabigyan na ng solusyon.

Panawagan pa nito sa mga otoridad na magsagawa ng kongkretong aksiyon nang mahuli na ang mga suspek at mabigyang katarungan ang mga biktima.

Malaki ang paniniwala ni Lancin na ang mga utak sa krimen ay mga grupo na may masamang plano sa nalalapit na eleksiyon. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.