Ilang lider at supporters ng isang kumakandidato lumipat sa ibang grupo sa Surigao

UMABOT sa 65 na mga lider at dating supporter ni Mayoral Candidate ng Surigao City Engr. Ernesto Matugas ng LAKAS KAMPI-CMD ang tumalon na sa grupo ni dating Gov. Robert Lyndon Barbers.

Ayon pa dating governor Barbers na kumakandidatong Mayor ng lungsod, lumapit sa kanya ang mga naturang tao at inihayag ang planong paglipat at pagbawi ng suporta sa kanilang dating amo at diumano’y sa kanya na nakikipag-alyansa.

Sa naturang pangyayari ay tinanggap niya ang mga ito at nanumpa na sa kanilang line-up sa partido Nacionalista.

Sa naturang paglipat, inihayag naman ng grupo ni Engr. Matugas na noong 2007 pa sa nagdaang eleksiyon tinanggal na nila ang naturang mga lider dahil sa hindi magandang ginawa sa kanilang grupo sa kasagsagan ng pangangampanya.

Inihayag pa, pinapalabas lamang na lumipat na ang mga ito sa grupo ng kalaban dahil wala na ito sa kanila at wala na ring kukuha pang iba. (RMN)

Post a Comment

Previous Post Next Post