Jail officer tiklo sa buy bust operation ng PDEA sa Surigao City

NAHULI ang isang Jail Officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ang suspek na sina JO2 Reyfi Salino, Benjie Janier at Rochito Entendez Yap, nakuha sa kanila ang 4 na sachet na pinaghihinalaang shabu at assorted drug paraphernalia’s.

Ang buy bust operation ay isinagawa kaninang ala-1:30 ng madaling araw sa Borromeo Ext. Surigao City.

Samantalang sa ibang buy bust operation na isinagawa sa Brgy. Togbongon sa lungsod, nahuli rin sina Roel Encinada na nasa target list ng PDEA Surigao del Norte.

Ang iba pang kasamahan nito na natimbog kinilala rin na sina Randy Silagan at Nicole Huvilla, 9 sachets ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad.

Ayon kay Atty. Joey Quiroriones, OIC ng PDEA Caraga, magsasagwa pa sila ng dagdag na operasyon sa kampanya laban illegal na droga lalo na’t may mga target pa silang suspek na kagaya ng naunang nahuli na miyembro ng BJMP at mga empleyado ng gobyerno. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.