Surigao City police station napili bilang most outstanding police station sa CARAGA

MASAYANG ibinalita ni Police Supt. Arthur Sanchez ang pagkakapili sa Surigao City Police Station bilang Outstanding Police Station of the Year sa buong rehiyon ng Caraga.

Tinukoy nito, kasalukuyang tinatanggap ang naturang award sa PNP Regional Headquarters kasabay sa PNP Anniversary Celebration.

Sinabi pa ni Sanchez, ipinagmamalaki niya ang lahat ng mga tauhan sa naturang Award lalo na’t ito’y pagkilala sa mga nagawa o accomplishments ng Surigao City Police Station sa nakaraang taon.

Idinagdag pa nito, ito ang unang pagkakataon sa ilalim ng kanyang pamumuno na nanalo ng Award ang City PNP. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.