3,000 pulis ikakalat sa CARAGA Region

TATLONG libong pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa apatnapu’t dalawang bayan sa CARAGA region.

Ayon kay Police Regional Office 13 Regional Dir. chief supt. Lino Calingasan – ito ay bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad sa ilalim ng category 1 at 2.

Ito ay upang magkaroon ng mapayapa, malinis at tapat na halalan sa Mayo.

Sinabi pa ni Calingasan na sa ilalim ng category 1 – nangangahulugan itong ang naturang lugar ay mayroong mahigpit na tunggalian sa pagitan ng dalawang pulitiko.

Ang category 2 naman aniya ay nangangahulugang may presensya doon ng mga rebelde o teroristang grupo. (rmn.ph)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.