5-anyos na bata, sugatan sa pamamaril ng isang security guard sa Surigao

KASALUKUYANG ginagamot sa Caraga Regional Training Hospital ang isang limang taong gulang na bata makaraang mabaril ng isang security guard sa Surigao City.

Kinilala ang biktima na si John Guemary, residente ng Cantilan, Surigao del Sur.

Ayon sa ama ng bata, dinala nila sa mas malaking ospital sa Surigao ang kanyang anak dahil natakot sila sa malaking sugat nito sa kaliwang paa.

Tinukoy nito na sa loob ng kanilang Videoke Hauz, may isang hindi nakikilalang security guard at miyembro ng Philippine Marines ang nag-away dahil lamang sa pagkanta.

Bigla umanong binunot ng security guard ang 38 kalibre ng baril, pinaputukan ang sundalo ngunit hindi ito natamaan at ang kanyang anak ang nasapol.

Nakatakdang isailalim sa operasyon ang bata nang matanggal ang bala sa kaliwang paa nito. (RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.