WoW CARAGA isasagawa sa Surigao sa Pebrero

MATINDING preparasyon ang isinasagawa ngayon ng local na pamahalaan ng Surigao City at Surigao del Norte kasama na ang Dept. of Tourism (DOT) sa nalalapit na WoW CARAGA na gaganapin sa Pebrero 23-27, 2010.

Ayon kay DOT Regional Director Letty Tan inaantabayanan ang taunang WoW CARAGA lalo na’t inaasahan ang pagdating ni Secretary Joseph Ace Durano.

Tinukoy nito na sa pamamagitan ng WoW CARAGA isasagawa ang showcase sa iba’t ibang Tourist Spots sa buong rehiyon, kasama na rin ang pagkakaroon ng Streetdancing Competition sa lahat ng mga Festivals na ginagawa sa buong CARAGA at mga ipinagmamalaking produkto sa rehiyon.

Ang lahat ng mga aktibidad sa WoW CARAGA ay gagawin sa loob ng kabubukas lamang na modernong Surigao del Norte Provincial Sports Complex. (rmn.ph)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.