Sa Surigao City: Binata nagbigti dahil natigil sa pag-aaral

ISANG 25-anyos na lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang isang malaking wire sa Surigao City.

Kinilala ang biktima na si Ace Borja, resident ng Purok 1, Brgy. Anomar ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng ama ng biktima, dakong alas 8:30 ng gabi ng isinagawa nito ang pagpapakamatay sa loob ng kuwarto.

Idinagdag pa ng ama nito na kinuha pa ng biktima ang kanilang Bibliya at binasa ito, nang kumain na sila ng hapunan at humingi ito ng paumanhin sa lahat ng miyembro ng pamilya.

Inamin ng ama nito na matagal nang may problema sa pag-iisip si ang anak, naunang aburido ito simula nang mahinto sa pag-aaral sa Criminology, lalong-lalo na’t hindi ito kwalipikado sa pag-pupulis lalo’t 5’2” lamang ang height nito.

Dinala pa sa Caraga Regional Training Hospital ang biktima ngunit ito’y ideneklara na Dead on Arrival. (rmn.ph)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.