Bagong Provincial Budget Officer ng Surigao, itinalaga na sa puwesto

ITINALAGA sa puwesto ang bagong Provincial Budget Officer ng Surigao del Norte.

Si Maria Gay Cotiangco ay kinumpirma na ang Appointment nito ng Sangguniang Panlalawigan bilang Provincial Budget Officer matapos nag-retiro si Ms. Virginia Yuipco noong Marso 11.

Ayon kay Cotiangco, malaki ang kanyang pasasalamat sa confirmation sa kanyang Appointment at epektibo noong Marso 15, siya na ang mamumuno ng Provincial Budget.

Binigyang diin nito na masaya siya sa pagkakatalaga sa posisyon lalo na ang suporta na ipinakita ng mga kasamahan sa trabaho at iilang opisyal ng local na pamahalaan ng Surigao del Norte. (rmn)

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Previous Post Next Post

نموذج الاتصال