Mga opisyal ng Comelec Surigao Del Norte, inaming may iilang double registrants

INAMIN ng Surigao del Norte Election Officer Atty. Geraldine Samson na may iilang mga Double Registrants sa probinsiya ngunit hindi nito matukoy kung ilan ang bilang dahil diumano’y hanggang sa mga oras na ito patuloy pang pinapadala sa kanila ang kopya ng mga pangalan na dalawang beses nakapag-rehistro.

Binigyang-diin nito, may mga paraan na silang ginagawa hinggil dito, kung dalawang bayan ang sangkot na may Double Registrants, ang lumang record ay ikakansela samantalang ang bago ay mananatili ngunit ang kanselasyon ay hindi sa record.

Inihayag nito, sa araw ng eleksiyon may mga Computerized Voter’s List, sa printout ang lumang Registration Record ay ikakansela sa pamamagitan sa pag-highlight sa pangalan at i-anotate ng Election Officer bilang Double Registrants at pipirmahan, habang mananatili ang bagong record na nito.

Samantalang kung dalawang barangay mula sa iba’t-ibang bayan ang may Double Registrants ang lumang record ang mananatili at ang ikakansela ang bago.

Dagdag pa ni Atty. Samson hindi dapat mangamba ang mga kumakandidato ngayong nalalapit na eleksiyon dahil walang botante na dalawang beses makakaboto. (RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.