BJMP regional director, tiwalang hindi pa nakalabas ng Surigao ang tumakas na inmate

Nabago ngayon ang paniniwala ng Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology na si Atty. Rex Delarmente at sinasabi nang posibling hindi pa nakalabas ng Surigao del Norte ang nakatakas na babaeng inmate mula sa Surigao City Jail na kinilalang Rachel Manzanares alias Rose Cinco na may mga kasong Estafa at Carnapping.

Ayon kay Atty. Delarmente, may mga impormasyon silang natanggap na andito pa sa probinsiya sa isang bayan si Manzanares kaya patuloy pa nilang minamanmanan.

Diumano’y inaasahan nila na isa sa mga araw na ito mahuhuli rin ang suspek at maibalik sa bilangguan.

Inamin ng BJMP Regional Director na may lumalabas ngayon na alegasyon at impormasyon na hawak ng sindikato at may koneksiyon o protector na isang pulitiko si Manzanares ngunit gagawa sila ng kongretong aksiyon para ito’y mahuli.

Dagdag pa ni Atty. Delarmente, sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan nila ang dalawang opisyal ng BJMP na sangkot sa pagkakatakas na sina Jail Warden Inspector Reynaldo Balmore at SJO2 Julian Sanchez, diumano’y Restricted na ang mga ito at inirekomenda nang sasampahan ng kasong administratibo at criminal epekto sa pagkakatakas ni Manzanares. (RMN)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.