Minero, nakuryente sa Surigao del Norte

NAKURYENTE hanggang bawian ang isang minero sa Sitio Mapaso, Brgy. Magsaysay, Placer, Surigao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Marianito Plaza, alias ‘Toto’, 44-anyos ng Gold Panner at residente ng Monkayo, Comval Province.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakuryente ang biktima habang tinatanggal ang bulb sa loob ng tunnel na kung saan aksidente na nahawakan ang isang live wire.

Agad namang isinugod sa Placer District Hospital, subalit ideneklarang dead on arrival na ito. -rmn

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.