Mga opisyal ng Surigao, nagpasaklolo kina Villar at Legarda

Idinulog na ng mga lokal na opisyal ng Surigao City at Surigao del Norte ang problema ng palagiang brownout sa pagdating ni Presidential Candidate Sen. Manny Villar at Vice Presidential Candidate Sen. Loren Legarda ng partido Nacionalista.

Ayon kay Surigao del Norte Gov. Robert Ace Barbers, malaking perwisyo na ang binibigay ng mga brownout lalo na’t umaabot mula 8 hanggang 12 oras ang walang kuryente dito sa lunsod.

Humingi na ito ng tulong kina Villar at Legarda bilang mga national officials nang maipaabot sa kinauuukulan ang problema na halos isang buwan nang problema sa lungsod.

Sinabi naman ni Surigao City Mayor Alfonso Casurra na sana maipaabot ng dalawang Senador sa National Gov’t na kailangan na ng tulong ng Surigao dahil sa palagiang Brownout naaapektuhan na ang mga transaksiyon sa local na pamahalaan

Nangako naman sina Villar at Legarda na gagawa sila ng paraan para mabigyan ng solusyon ang nasabing problema. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.