Mga pasahero, dumagsa sa iba’t- ibang terminal at pantalan sa Surigao

DUMAGSA na ang maraming mga pasahero sa iba’t- ibang mga Terminal at pantalan sa Surigao sa selebrasyon ng Semana Santa.

Inihayag ng ilang mga drivers at dispatchers sa mga bus, van at jeep na marami na ang mga pasahero simula pa kahapon.

Marami sa mga ito ay dumating sa lungsod at bumibiyahe sa iba’t- ibang lugar sa Mindanao gaya ng Butuan, Cagayan de Oro, Davao, Surigao del Sur at kung saan pa.

Tinukoy ng mga ito na maliban sa mga tao marami ring mga kargamento na dala-dala ng mga ito. May ilan rin na kumukuha ng special trip sa mga vans.

Samantala, sa iba’t-ibang pantalan gaya sa Borromeo St. at sa Brgy. Lipata, Surigao City marami na rin ang bumibiyahe sa Island brgys. lalo na patungong Siargao.

Marami sa mga ito ang mga local at mga dayuhang turista na gustong-gusto magbakasyon sa naturang lugar. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.