Isang sasakyang pandagat, tumirik sa Surigao del Norte

TUMIRIK ang isang passenger vessel habang naglalayag sa karagatan ng Surigao del Norte sa Mindanao.

Kinilala ang sasakyang pandagat bilang MV Maria Sophia na pagaari ng Montenegro Shipping Lines, lulan ang 85 pasahero.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Lieutenant Commander Armand Balilo, dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang naturang insidente subalit alas-9 na nang mapag-alaman ito ng mga otoridad.

Agad namang napuntahan ng Surigao Search and Rescue Team at ng Philippine Coast Guard ang tumirik na sasakyang pandagat.

Ligtas na dumaong sa pantalan ang barko maging ang mga crew at pasahero nito. (rmn)

Post a Comment

Previous Post Next Post