Guwardya, inararo ng sasakyan sa Surigao del Norte, 1 patay, 1 kritikal

Dead on the Spot ang isang security guard matapos na mabangga ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang hindi pa nakikilalang sasakyan sa Brgy. Daywan, Claver, Surigao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Pedro Simborio, Security Guard ng Claver Coconut Farm Corporation.

Maliban sa kanya, sugatan rin ang backrider nito na kapwa Security Guard na si Rogelio Beradillo at kasalukuyang inoobserbahan pa ng mga doctor sa Caraga Regional Training Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ang dalawa sa motorsiklo at papunta sana sa kanilang trabaho para kunin ang dalawang buwang sahod nang mabangga sa may Intersection sa Highway ng isang Hi-Lux na sasakyan mula Surigao del Sur.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pangyayari at kasalukuyang pinaghahanap ang nakabanggang sasakyan. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.