Kumakandidatong Governor ng Surigao del Norte, nahuli sa Buy Bust Operation ng PDEA

NAHULI sa isang Buy Bust Operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)ang isang kumakandidatong Independent Governor ng Surigao del Norte.

Kinilala ang suspek na si Roberto Deguino alias Bebot.

Kasama nito na nahuli kahapon dakong 3:30 ng hapon sa M. Ortiz St, Surigao City ang iba pang kasamahan na sina Ricardo Ecleo alias Kayoy, Arlinda Ecleo alias Nene, Glen Sykimte, Jose Cariaga at Jenelyn Noriega.

Ang Buy Bust Operation ay pinangunahan ni PDEA Intelligence Agent III Joel Plaza.

Nakumpiska sa posisyon ng mga suspek ang kulay puti na pulbos na hinihinalang shabu, apat na cellphones, marked money na P1,000, dalawang digital na timbangan, swiss knife at iba’t-ibang drug paraphernalias.

Sa ngayon, sinampahan na ng kaso sa paglabag sa Comprehensive Drug Act ang mga nahuli. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.