Proclamation rally, isinagawa ng mga kaalyado ng Lakas-Kampi-CMD sa Surigao City

ISINAGAWA ng local na partido sa Padajon Surigao at kaalyado sa Lakas-Kampi-CMD ang Proclamation Rally kagabi sa may City Gym.

Opisyal na pinakilala ang mga kandidato sa ilalim ng kanilang grupo.

Una isinagawa ang isang motorkada sa buong lungsod sa pangunguna nina Cong. Francisco Matugas ng District 1 at Cong. Guillermo Romarate Jr. ng District 2 kasama na ang ibang mga kumakandidato bilang Governor na si Dr. Sol Matugas, Atty. Arturo Carlos Egay Jr. bilang Vice Governor at iba pa.

Kasunod nito ang Proclamation Rally na dinaluhan rin ng mga kandidato mula sa iba’t-ibang bayan, mga lider at supporters na umaabot sa mahigit 5,000 mga tao .

Ipinaabot ng mga kandidato sa publiko ang kanilang Plataporma de Gobyerno. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.