Salpukan ng kotse at motorsiklo sa Surigao City, 1 patay, 2 sugatan

KUMPIRMADONG isa ang patay nang magsalpukan ang isang kotse at motorsiklo kahapon sa Rizal St., Surigao City.

Kinilala ang namatay na si Dimple Castillo, 21-anyos, driver ng isang single na motorsiklo. Samantala, sugatan naman mga backriders na sina Albert Cabenlar at Francisco Labnot.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Traffic Section, magkaparehong tinatahak ng dalawang sasakyan ang Rizal St. nang dumating sa may gate ng Caraga Regional Training Hospital nang biglang nag-u- turn ang kotse na minamneho ni Simprey Villareal, 34-anyos na aksidente nitong nabangga ang motorsiklo.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon ng ilang metro ang driver ng motorsiklo kasama ang mga backrider nito.

Agad namang isinugod sa pagamutan si Castillo ngunit ideneklara na itong dead-on-arrival, samantalang malubhang nasugatan naman ang dalawang back riders nito.

Nakatakdang sampahan naman ng kaso si Villareal. (rmn)

Surigao Today

All articles/photos on this website are for general information only. Surigaotoday.com does not own any responsibility for the correctness or authenticity of the information in the articles. We take no responsibility for loss, inconvenience or injury resulting from this information.